Recent Posted Stories

Recent Short Stories

Most Commented Stories

Dear Kuya - I Need Advice

Reminder

Welcome to Bi Out Loud. Please be reminded that stories published in this site are protected. Anyone monitored copying without the consent of the author or administrator will be deemed Plagiarism and shall be sanctioned under the Philippine law concerning Copyright Infringement. Please read the Disclaimer for further information.Please be guided accordingly. Let us respect the works of our writers. Thank you!

Followers

Hot Topics

Compilation

Recent Comments

Recent Comments Widget

English Stories

Featured Post

RA Notice / Teaser

Read and pls and leave your comment. Writers will be so delighted to read your feedbacks.Thank You!

Make Believe Chapter 20

Posted on Saturday, May 19, 2012 Posted by Zildjian



by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories

Author's Note:

At sa wakas ay natapos ko rin ang chapter na ito! Inabot na naman ako nang madaling araw! HAHAHAHA Ang adik ko talaga kahit kailan. Anyway, anywho, enjoy this chapter guys. Naway hindi niyo ako isumpa sa mga mababasa niyo rito. HAHA ^_^


Salamat sa lahat ng taong nagbigay ng kanilang komento sa Chapter 19. Napakasarap magpuyat at magpakahirap gumawa ng isang kwento kapag merong mga taong um-appreciate sa iyo. Hihihi Thank you so mats guys!!!!!!!!!!!!!!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

Reade more >>

Sa Aking Pagkabigo Chapter 1

Posted on Posted by Bioutloud





"Ako si Rhenjie Chio ( di ko tunay na pangalan ) Matangkad,maputi,matangos ang ilong, may mapupulang labi, payat at malakas ang apeal yan ang pagkaka describe nila sakin..

"Lumaki akong salat sa pamumuhay pero punong puno ako sa pagmamahal nang barkada mga kaybigan at ng aking ina..

"Meron akong matalik na kaibigan si Royette Valdez maamo ang muka at kung ano ang itsura ko ganun din sya pero mas matangkad sya sakin at mas gwapo mas malakas ang apeal at sobrang daming fans bukod kasi sa sobrang yaman na mabait pa,matalino,mapagbigay basta lahat lahat na in short perfect tlaga wala syang bisyo na kahit ano ( di nga sya marunong magmura eh ) sya ang top 1 ng aming section since first year ako top 2 lang :( hehe pero ok lang yon masaya nko..

"Hindi ko alam kung bakit naging mag bestfriend kami kasi si royette ay sobrang kulet,maingay (sweet yan) samantalang ako ay tahimik na tao lang ..

"Palagi kasi akong pinag sasabihan at sinasaktan sa amin. Isang araw nang lunes tinanghali ako ng gising habang kinukuha ko ang aking gamit sa paliligo ay di inaasahan mapadulas ako at tumurit ang dala kong gamit pampaligo sa sofa kung saan ntutulog ang aking tiyuhin.. Nagising ito na galit na galit ,bumangon ito at tumitig sa aking nang masama.. "Pinagpawisan ako at natakot, walang ano anoy *BLAAAAAG* isang malakas na suntok ang dumapo sa aking mukha , mula sa kamao ng aking tiyuhin ..

Itutuloy....
Reade more >>

Pag-ibig Sa Gitna Ng Kamusmusan Chapter 2

Posted on Posted by Bioutloud








Aun...eto po ung continuation nung chapter 1..
Hope you like this..
Kuya robert mendoza..tnx po sa comment...
Sisikapin ko po mas interesting pa yung story..
Still open for your comments...negative or positve..ok lang..
__________________________________________________________________________________


Ikalawang Kabanata
SI PAKO



“Kung ako na ang pinakamalas na tao sa mundo,
Bakit hanggang ngayon, nabubuhay pa ako?”




“Te Tasing, pupunta lamang po ako ilog kasama sina Atan at Peter” paalam ni Pako isang umaga. Si Pako ay nasa labin-dalawang taong gulang. Kayumanggi, at at may mga itim na itim na matang animo’y nangungusap, samahan pa ng maamong mukha. Tuwid ang maitim niyang buhok. Dali dali siyang tumakbo palabas ng isang malaking bahay.

“Naku bilisan mo at daratng sina Ate Emely mo kasama yung anak na si Tristan bago magtanghali” paalala naman ni Aling Tasing na nagluluto ng biko.

“Opo Te Tasing, Mmm, ang bango naman po nyan, tirhan nyo po a ko mamaya ha.” pabala ni Pako.

Paolo Cortez ang tunay niyang pangalan ngunit Pako ang ipinalyaw sa kanya ng mga taong nagpalaki sa kanya. Halos mag-iisang taon matapos niyang gawin ag bagay na iyon. Mag-iisang taon na ng lumayas siya sa kanilang bahay.

Limang taong gulang pa lamang si Pako noon ng maghiwalay ang kanyang mga magulang. Limang taon palamang siya noon at ang tanging kaya lamang niyang itindihin ng mga panahong iyon ay palaging nag-aaway ang kanyang mga magulang. Hindi pa niya kayang magtanong kung bakit, sapagkat ang kaya lamang niyang gawin noon ay ang umiyak habang nakikitang binubugbog ng kanyang ama ang kanyang inakapag ito ay lasing. Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng alak. Napakabrutal para sa batang kagaya niya ang makita ang ganong bagay ngunit anu magagawa niya. Kahit siya ay hindi rin nakaligtas sa pambubugbog ng kanyang ama ng mga panahong iyon. Kaya napagdesisyunan ng kanyang ina na umalis sa kanilang lugar at iwan ang kanyang ama. Lumipat sila sa lugar na malayo at sa hindi kayang tuntunin ng kanyang ama. Hindi nagtagal at lumipas ang mga araw, nakahanap muli ang kanyang ina ng panibagong karelasyon. Noong una, akala niya ay hindi ito magiging katulad ng kanyang ama, ngunit masahol pa pala ito sa bandang huli.

Isang buwan pa lamang magkarelasyon ang kanyang ina at ang lalaking iyon nang umalis ang kanyang ina papuntang ibang bansa. Ang tanging rason nito ay upang mabigyan si Pako ng magandang buhay. Ngunit ang inaakalang magandang buhay para kay Pako na sinasabi ay kabaligtaran pala. Sapagkat walang mag-aalaga sa kanya ay napilitan siyang tumira sa lalaking kinakasama ng kanyang ina. Noon niya nalaman na kabit lamang pala ang kanyang ina dahil mayroon itong tunay na asawa. Ipinakilala pa siya nitong isang batang kalye na nagangailangan ng pamilyang kukupkop upang hindi siya mabuko na may ibang babae. May tatlong anak na rin ito.

Noong una ay ayaw pa ng asawa niyang kupkupin si Pako sapagkat ang katwiran niya ay wala silang perang ibubuhay a maipapakain sa kanya. Ngunit sa huli ay napagdesisyunan nilang kupkupin din siya kapalit ng kanyang pagtatrabaho para sa pamilyang ito.
Noong una ay talagang nahirapan siya sapagkat napakabata pa lamang niya ng mga panahong iyon. Dumating na din sa punto na hindi siya pinapakain at pnapatulog ng mag-asawa. Maging ang mga anak nito ay hindi rin siya binigyan ng awa. Hanggang sa maisipan niya ang isang bagay na matagal na dapat niyang ginawa. Ang lumayas. Kaya naman gamit ang perang naipon niya galing sa pagtatrabaho, ay agad siyang umalis ng lugar na iyon. Sumakay siya sa isang bus na hindi niya alam kung saan papunta. Basta ang mahalaga lang sa kanya ng mga oras na iyon ay ang makalayo sa mala-impyernong buhay. Wala siyang paki-alam kung anuman mangyari sa kanya, ang mahalaga ay mailigtas niya ang kanan sarili. Hindi na rin niya naalala pa ang kanyang ina, sapagkat maging siya hindi na rin nito naalala. Ni isang kusing na sulat ay wala siyang nabasa, o di kaya ay kapiranggot na saliitang “kumusta” ay wala siyang narinig mula sa kanyang ina.
Hanggang sa ibaba siya sa isang lugar na hindi niya alam kung saan. Minalas pa siya ng malamang sakto lamang ang kanyang pamasahe sa perang kanyang dala-dala. Naglakad siya ng naglakad kahit damang damang niya ang gutom at pagod. Hanggang sa isang gabi, naupo siya likod ng isang malaking puno malapit sa isang malaking bahay. Doon niya balak palipasin ang kanyang gabi. Iilabas niya ang kanyang pagkain, isang maliit na tinapay. Alam niyang hindi iyon sapat para sa ilang araw na pagod at gutom na kanyang nararamdaman, ngunit wala siaygn magagawa nang mga oras na iyon, kundi kainin ang anumang nakahain. Napaiyak siya dahil sa kanyang pagka-awa sa sarili. Kung nagkaroon lamang siya ng mabait na ama at responsableng ina. Kung nagkaroon lamang siya ng magandang pamilya. Iyon ang hiling niya sa kanyang sarili. Mga bagay na kanyang ibinubulong kapag siya ay nagbe-birthday. Lalo pa siyang naiyak nang maalala niya ang isang bagay.

“Birhday ko nga pala,” sabi niya sa kanyang sarili. Naalala niya nang mga panahong ipinagluluto siya ng kanyang ina ng pansit at pagkatapos ay masaya nilang pinagsasaluhan ito.
“Sigurado bang mabubusog ka sa tinapay na ‘yan?” wika ng isang matandang lalaking kanina pa pala nakatayo sa kanyang likuran.
Napaiktad siya dahil sa pagkagulat. Naitapon tuloy niya ang kapirasong tinapay sa lupa. Dali-dali niyang kinuha ang tinapay at ipinagpag. Hinipan at tiningnan kung may natitira pang dumi. Kakainin na sana niya ang tinapay nang magsalitang muli ang matanda.

“Madumi na iyan, itapon mo na lang. Magkakasakit ka lamang.” Wika ng matanda. Habang nakangiti ito sa kanya.

“Wala po akong pakialam kahit madumi, ito na lang po ang pagkain ko. Wala na po akong ibang kakainin.” Wika naman ni Pako habang nakatingin sa tinapay.
Ngunit tinawanan lamang siya ng matanda.

“Hahahah. Halika, sumama ka sa akin sa loob at doon ka kumain.” Wika nito.
Nagulat siya sa sinabi ng matanda. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. “Sino ba itong matandang ito?” tanong niya sa kanyang sarili. Hindi niya maisip kung bakit siya tutulungan ng taong ito eh hindi naman siya nito kilala.

Iniangat ng matanda ang kanyang kamay at nagpakilala.
“Ako nga pala si lolo Kito, ikaw? Ano pangalan mo?” tanong ni lolo Kito.
Hindi siya makapagsalita. Parang napipe siya noong mga oras na iyon. Tinitigan lamang niya ang kamay ni lolo Kito. Hanggang sa kunin ni lolo Kito ang kanyang kamay at pilit na nakipagkamay sa kanya.

“Ayaw mo kasi eh, hehehe,’ sabi ni lolo Kito. Habang nakikipagkamay sa kanya. “Oh ano, tayo na.” Akit ni lolo Kito. Gutom na gutom na siya ng mga oras na iyon kaya wala na rin siyang nagawa kundi sumama.

Doon na nagsimula ang isa sa mga katuparan ng mga hiling niya.

“Ganun pala yun,” sabi niya sa kanyang sarili. “Hindi pala talaga lahat ng kamalasan, pwede sa isang tao” dugtong pa niya.

Nagkaroon siya ng pamilya, isang masayang pamilya sa pili nina lolo Kito, lola Anya, at Aling Tasing. Isang pamilyang tutugon sa mga pangagailangan niya bilang isang bata at bilang isang anak. Isang pamilyang tumanggap sa kaniya sa mga panahong kailangan niya ng masasandalan.

“Teynkyu po Lord” iyon na lamang ang nasasabi niya bilang pasasalamat.
Mag-iisang taon na nga simula nang mangyari ‘yon. At nang marinig niya na darating ang apo nitong si Tristan ay nakaramdam siya ng saya.

“Sa wakas, hindi na ako mag-iisa sa bahay na ito. Gagawin ko ang lahat para mag-enjoy siya dito at para maging magkaibigan kami.” Sabi niya sarili niya. “Ang lahat ng mahalaga kina lolo Kito at lola Anya, ay mahalaga rin sa akin.”

Nitong umaga nga lang ay nagpaalam siya kay Aling Tasing na pupuntang ilog kasama ang mga kaibigan. Ngunit ang totoo ay hindi sa ilog ang tungo niya.
Malapit na siya sa may ilog nang dumretso siya sa isang terminal ng tricycle at sumakay. Ngayong araw ay pupunta siya sa bayan. Mayroon siyang isang taong kakatagpuin at mahalaga para sa kanya ang bagay na iyon.

Ilang minuto ang lumipas at nakarating din siya sa kaniyang pupuntahan sa bayan. Mag-iisang taon na rin ang lumipas kaya kahit papaano ay alam na niya ang pasikot-sikot sa bayan. Ilang kalsada ang kanyang tinawid at ilang eskinita ang sinuotan. Hanggang sa marating niya ang isang bahay. Ilang katok ang kanyang pinakawalan bago buksan ang pinto. Sumiwang ang isang mukha.
May ilang oras din ang itinagal niya sa bayan hanggang sa makabalik siya sa bahay. Dahil sa sonrang init ng mga panahong iyon ay naisipan muna niyang magtanggal ng damit. Habang naglalakad siya papalapit sa bahay ay napansi niya ang isang batang lalaki. Parang libang na libang ito sa katitingin sa mga puno. Bakas din sa mukha niya ang lungkot.

“Siya na kaya si Tristan?” tanong niya sa kanyang sarili.

Habang nakatalikod ay nilapitan niya ito para makipagkilala.

“Ikaw ba si Tristan?” tanong niya na ikinagulat naman ni Tristan. Kitang-kita niya sa mukha nito ang pagkainis. Naalala niya ang pangako niya sa kayang sarili. Kailangan niyang makipagkaibigan kay Tristan.

Dahil sa nangyari ay hindi siya kinausap ni Tristan. Ilang beses niyang tinangkang lapitan. Pero nilalayuan lamang siya nito.

“Patay, galit yata sakin” sabi niya sa kanyang sarili.
Dahil dito ay sinubukan niyang kausapin si lolo Kito.

“Lo, may problema yata si Tristan eh, mukhang galit sa’kin. Di aku kinakausap eh.”sabi ni Pako kay lolo Kito.

“Hindi sa’yo nagagalit si Tristan” wika ni lolo Kito.

“Eh bakit parang ayaw yata ako kausap. Kapag kayo naman po, si lola Anya, si Te Tasing, kinakausap, baki ako?”

“Ahahaha, siguro ay nahihiya lamang siya sa’yo, hayaan mo, bibigyan kita ng pagkakataong maka-usap siya. At pag ganun, tanungin mu kagad. Yung interesadong tanong. Yun pwede ninyong simulan ng mapagkukwentuhan.”

A kinagabihan nga, habang sila ay nasa hapag-kainan ay sinabi ni lolo Kito na magtatabi sila sa pagtulog. Kung anung dismaya ang naramdaman ni Tristan ng mga oras na iyon ay siya namang tuwa ni Pako.

“Sa wakas, siguro naman kaka-usapin na niya ako kung lagi niya ako katabi pagtulog.” Sabi pa niya sa kaniyang sarili.

Hinintay niyang pumasok si Tristan sa kwarto. Pagkatapos ng ilang minto matapos pumasok ni Tristan ay pumasok na rin siya. Madilim sa oob ng kwarto. Hindi na niya binuhay ang ilaw sapagkat sa rin ay may balak nang matulog. Malaki ang kama kaya kasyang-kasya silang dalawa. Nahiga si Tristan sa kaliwang bahagi samantalang siya naman ay sa kanan. Naalala niya ang sinabi ni lolo Kito.
“Magtanung anung lang ako ng isang tanong. Yung interesadong tanong na pwede naming pag-usapan.” At isang tanong ang pumasok sa kanyang isipan.

“Ahm Tristan... tuli ka na ba?”

(itutuloy)
Reade more >>

Blinded By The Spotlight Chapter 3

Posted on Posted by Bioutloud







“Ang galing mo naman Lenard!”




Matapos kong kumanta ay narinig ko nalang ang maraming palakpak mula sa aking likuran. Nang lingunin ko ang kung sino-sino man ang mga pumapalakpak, nakita ko ang mga kaklase ko. Hindi ko namalayan ang pagpasok nila sa aming silid-aralan dahil na din nakaharap ako sa unahan habang ang mga ito naman ay sa likod pumasok. Madami na sila at kitang-kita ng dalawa kong mata ang kinang, o mas tamang sabihin na amazed ang nakikita ko sa mga mata ng mga ito.




Tinakpan ko ang aking mukha ng aking bag na dala-dala at agad na naglakad palabas ng room. Hindi pa ko pa man napipihit ang door knob ng pintuan ay bigla na itong bumukas, and BOOM! Nauntog ako sa kantuhan ng naturang pinto.




“Sorry Lenard.” Ang sabi ng lalakeng nagbukas ng pintuan at inalalayan ako nitong makabangon, hawak nito ang isa kong kamay at ang isa naman ay inaalalayan ang aking likuran. Nang makita ko kung sino ang taong tumutulong sa akin ay napag-alaman kong si R-Kei pala ito. “Saan ka pupun...”




“UYYYYYY!!!!!” Sigawan ng mga kaklase naming ngayon ay nanunuod ng eksena namin ni R-Kei. Ito rin ang dahilan kung bakit biglang napatigil si R-Kei sa sinasabi nito at napatulala nalang ito sa dami ng mga kaklase kong nanunuod sa amin.




Nang maitayo na ako ni R-Kei ay agad-agad na kinuha nito ang kanyang bag sa kaninang inuupuan naming dalawa at hinila ako nito papalabas ng classroom.




“Bakit hindi mo sinabing madami na palang tao d’on?” Nakangiting tanong sa akin ni R-Kei habang kami ay parehas na tumatakbo makalayo lamang sa kahihiyang naganap kanina.




“Nagulat na nga lang ako kanina kasi bigla silang sumulpot. Kaya nga naumpog ako kanina nung binuksan mo ang pinto, nahihiya kasi ako sa kanila.” Sabi ko dito at tumigil na ako sa pagtakbo. “Teka lang, bakit ba tayo tumatakbo?” Hihingal-hingal ko pang sabi dito.




Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kinakailangan naming tumakbo pa gayong nakalayo naman na kami sa classroom na pinanggalingan naming kanina. At lahat ng nakasalubong naming estudyante ay nakatingin sa amin habang tumatakbo. Nakakahiya! Para kaming hinahabol ng kung sino-sino at kailangan namin itong takasan.




Tumigil naman si R-Kei sa pagtakbo at hingal-aso itong napayuko sa gitna ng hallway.




“Doon muna tayo sa oval, 1 hour pa naman bago ang sunod nating klase, tsaka hapon na, hindi na ganon kainit doon ngayon.” Hihingal-hingal pa din nitong sabi sa akin.









“Kumanta ka na kasi.” Kanina pang pilit sa akin ni R-Kei. Labing-limang minuto na kaming nakatambay sa oval at kanina pa ako nitong pinipilit na kumanta.




Always ready talaga ang isang ito, sa bag pala nito ay may tuwalyang nakalagay at iyon ang ginamit naming sapin para maupuan sa oval. Inilatag lamang niya ito sa damuhan at saka kami umupo at gumaya sa iba pang mga nakatambay din, or should I say, nagde-date doon. (Assuming lang. Hehehe)




“Nakakahiya kaya, ang daming tao.” Tugon ko dito.




“Eh ano ngayon, proud nga ako, kasi pinalakpakan ka nila kanina sa classroom, kaso hindi ko naman narinig.” Nakangiting sabi nito sa akin, alam kong nakatitig ito sa akin, kita kasi sa peripheral vision ko. At ito rin ang dahilan kung bakit kulang nalang ay ma-cardiac arrest ako sa bilis ng tibok ng puso ko.




“Pano mo naman nalaman ‘yon?”




“Nagtext sa akin si Thep. Pilitin daw kitang sumali sa banda. Kulang kasi kami ng vocalist.” Sa sinabi nito’y agad akong napatingin sa gawi nito at nakumpirma kong nakatingin nga ito sa akin.




Hindi ko alam na nagbabanda pala ang mga ito, kaya’t ipinagtaka ko ang sinabi nito.




“Nagbabanda pala kayo?” Kunot-noo kong tanong dito.




“Sana, kaso nga diba, hindi pa buo. Kasi naman, ayaw nilang ako nalang ang vocals. Kaya ko naman. Panalo kaya ako noong fourth year high school sa singing contest sa school namin. Champion pa!” Mahanging sabi nito sa akin.




“Oh, eh bakit hindi nalang ikaw ang kunin nila? Baka naman kasi dalawa lang kayong naglaban? At hindi pa maalam kumanta ang napatapat sayo.” Natatawa kong biro dito.




“Pano mo nalaman?” Pagsakay nito sa biro ko, o ‘yon talaga ang totoo? Hala, ewan! Parang seryoso kasi ang sinabi nito.




“Totoo nga?”




“Hindi ka naman mabiro! Madaming magaling kumanta sa LaCo noh. Mapalad lang talaga ako sa pagkakapanalo ko” Sabi nito’t tumingin ito sa malayo.




“Maiba ako R-Kei. Naalala ko kasi ‘yong sinabi mo noong orientation palang nung first day, totoo bang lola mo si Cory?” Out of curiosity, matagal ko nang gustong itanong ito sa kanya, pero ngayon lang ako nagkaron ng lakas ng loob, bakit? Hindi ko din alam.




“Hindi, joke ko lang ‘yon, para hindi na mangulit si Ma’am Trinidad. Ayoko kasi talaga sa mga teacher. Lalo na sa mga plastic.” Sabi nito at napabuntong hininga.




“Bakit ba parang ang laki ng galit mo sa mga plastics? Noong acquaintance mo pa sinasabi ang tungkod d’yan ah?”




“Ayoko lang talaga ng ganon, isipin mo naman, halimbawa ikaw ang nasakalagayan ko. Tapos lahat ng ipinakita mo sa akin ay totoo. Malalaman mo nalang na pinaplastic kita, anong mararamdaman mo?”




“Syempre masakit.” Pagsang-ayon ko nalang dito. “Pero R-Kei, pano ba malalaman kung plastic sayo ang isang tao?” Parang bata kong tanong dito, sa mga ganitong klaseng usapan kasi ay hindi talaga ako maalam, hindi ko alam kung paano mamili ng kaibigan, maswerte lang siguro ako ngayon kay R-Kei dahil pakiramdam ko’y totoo lahat ng ipinapakita nito sa akin.




“Mararamdaman mo naman ‘yon eh. Kaya nga noong una, ayaw ko sayo.” Sa sinabi nito’y para naman akong nabagabag.




“B.bakit naman?”




“Eh kasi, kita naman sa kilos mo na Bi ka, tapos ayaw mo pang aminin.” Sabi nito sa akin.




“Hindi ko naman itinanggi ah, ayoko lang talagang ipakilala ang sarili kong gano’n R-Kei.” Sabi ko dito at nag-iba na ang hilatya ng mukha ko, pati boses ko ay nakikisama na din dahil medyo natatakot na din akong mawala sa tabi ko si R-Kei, nasanay na din kasi akong palagi ko itong kasama.




“Oh, wag kang malungkot d’yan, syempre first impression ko ‘yon sayo, at nagbago na ‘yon ngayon. Tingin mo ba sasama ako sayo kung ramdam kong hindi totoo ang sinasabi mo?” Nahimigan ko ang paglalambing sa boses nito na naging dahilan muli ng pagbilis ng tibok ng aking puso.




“Pwede ba magtanong R-Kei?” Pagbubukas ko ng panibagong topic.




“Sure, ano ba ‘yon?” Sabi nito kasabay ang paghugot nito ng kung ano sa kanyang bulsa, nang mailabas niya ito ay ang kanya palang CP.




“Ah. Eh. Kasi, tatanong ko lang sa...”




“Time na pala! Late na tayo! Patay nanaman tayo nito kay Sir Desamero!” Pagputol nito sa aking sinasabi at nagpatiuna na itong tumayo, matapos ito ay inalalayan niya akong makatayo at sabay naming kinuha ang tuwalya niya at inilagay ito sa kanyang bag nang walang tiklop-tiklop.




Nagmadali kaming tumakbo patungo sa room ng klase namin. Doon na kami dumaan sa ospital para madali, may shortcut kasi dito at paglabas mo ay nasa third floor ka na ng building ng medical courses. Hawak niya ang kamay ko habang hila-hila niya ako sa kanyang pagtakbo. It felt like I was on breeze, na dinadala lang ako ng hangin through R-Kei’s hands. (Kayo kaya ang hawakan ang kamay ng crush nyo? At hila-hila pa kayo nito, hindi ba kayo kikiligin no’n?)




Nang marating namin ang classroom ay agad kaming pumunta sa likurang parte at doon kami pumasok ni R-Kei ng dahan-dahan.




“Mr. Bitervo! Mr. Cojuanco! This is the third time na na-late kayo sa klase ko! Isang beses na nga lang ang meeting natin every week and you tend to be late sa klase ko! Gusto ‘nyo bang gawin ko ding late ang grades ‘nyo?”




Paktay! Nasabi ko nalang sa aking isip habang kakamot-kamot kaming dalawa ni R-Kei sa aming mga ulo.




Ewan ko pero lagi nalang kaming late ni R-Kei sa klase ni Sir Desamero, naisipan nga naming dito nalang mag-stay kanina sa room na ito kaso, nagsipagdatingan naman ang mga classmates namin, kaya umalis din kami.




Eh ano ba kasi ang itinatago-tago ninyo sa mga kaklase nyo? Bakit ba kasi kailangan nyo pa ng private moments together every break time bago ang Chemistry class nyo! Biglang sabat naman ng maligalig kong utak




“Sir kasi nagdate pa sila!” Biglang sabi ng isang babae naming kaklase na si Caree. Isa sa mga intrimitida naming kaklase, maganda siya, oo, at alam naming may gusto it okay R-Kei. Pero dahil na din sa kagaspangan ng ugali nito ay hindi ito pinapansin ni R-Kei.




“Shut up Caree!” Saway ni R-Kei dito.




“Shut up your face! Kung bakit ba naman kasi d’yan sa baklang ‘yan mo pa naisipang magsasama!” Balik naman nit okay R-Kei.




“Students, this is not a war room! Kung gusto ninyong mag-away, doon kayo sa labas at huwag ninyong guluhin ang klase ko!” Mataray na sabi ni Sir Desamero. “Mr. Bitervo, Mr. Cojuanco, go to your proper places, go to my office after this class!”




Nagmadali na kaming umupo ni R-Kei sa aming mga sari-sariling upuan, at dahil nga uso sa college ang sitting arrangement na alphabetically arranged ay magkatabi pa din kami nito. (Hindi naman talaga uso sa college ang sitting arrangement, pero ewan ko ba, sa school na ‘to kasi, kailangan daw alphabetically arranged, but am thankful dahil na din magkatabi kami ni R-Kei... hehehe, landi much lang.)




Chemistry is one of R-Kei’s favourite subject na talaga namang kahinaan ko, ewan ko ba pero pagdating sa science subjects talaga ay hirap na hirap ako. Mabuti nalang talaga at katabi ko si R-Kei at itinuturo nito sa akin ang mga hindi ko maintindihan sa sinasabi ni Sir Desamero. Minsan pa ay sa mga quiz, pinapakoya ako nito.









Nang matapos ang klase namin kay Sir Desamero ay agad kaming nagtungo sa opisina nito. Mataas ang posisyon ni Sir Desamero sa unibersidad na ito, Research and Development Director, Director for Accreditation, at Executive Dean ng College of Pharmacy. Dalawa din ang kursong kinuha nito, isa ay Medical Technology kung saan ay top three siya sa board exam. Ang isa naman ay Pharmacy kung saan kasali pa din siya sa Top 20 pero hindi na namin alam kung pang ilan siya. Matalino kasi eh. Pero malaking palaisipan para sa amin ang kanyang sekswalidad.




Tok*Tok*Tok




Tatlong beses lamang kaming kumatok sa opisina nito at pinagbuksan kaagad kami ng kung hindi ako nagkakamali ay sekretarya nito.




“Si Sir Desamero po?” Mahiya-hiya naming tanong sa babaeng nagbukas ng pinto.




“Waiting for you in his room. Pasok nalang kayo doon sa pintuan na iyon.” Sabi nito sabay turo sa amin ng sinasabi nitong pintuan sa loob ng opisinang kinatukan namin.




“Thank you po.”



Agad naman naming sinunod ang sinabi ng sekretarya nito, pero nang kakatok na kami ay parehas kaming nagsisikuhan kung sino sa amin ang kakatok. Nasa harap na kami ng pintuan nang bigla itong bumukas at iniluwa nito ang professor naming si Sir Desamero.




“Pasok kayo.” Mabait na sabi nito sa amin.




Agad kaming pumasok sa loob ng silid niya kahit nagtataka pa kami, o ako lang sa ipinapakitang ugali nito, kanina kasi noong pinapagalitan niya kami ay halos parang lamunin na kami nito ng buong-buo, ngayon naman ay parang isang mabait na tupa.




“Ano pong pag-uusapan natin sir?” Iba talaga ang isang ‘to, direct to the point, ayaw ng paligoy-ligoy ni R-Kei. At nakatitig ito kay Sir Desamero na parang hindi nito nagugustuhan ang nakikita nito.




“Upo muna kayo d’yan. Kukuha lang ako ng makakain natin.” Tugon naman ni Sir Desamero na lalung nagbigay sa amin ng pagtatakang pakiramdam.




Umupo naman kami ni Jeck sa magkabilang upuan sa tapat ng lamesa ni Sir Desamero. Habang si Sir naman ay pumunta sa kanyang mini refrigerator at kumuha ng kung anong makakain doon. Nang matapos nito ay umupo na siya sa kanyang trono at ngumiti sa amin.




“Heto, kainin nyo muna.” Sabi nito sa amin.




“Thank you sir.” Sabay naming sabi ni R-Kei.




“Akala kasi namin kanina papagalitan ‘nyo kami kaya ‘nyo po kami pinatawag.” Sabi ko pa.




“Bakit ko naman kayo papagalitan? Eh diba nga, sabi ko noong orientation, okay lang sa’kin ang late, basta ipapasa nyo ang mga exams at quizzes nyo.” Nakangiting tugon nito sa amin. Oo nga pala, nakalimutan namin na may ganung sinabi nga pala ang mokong na ‘to noong una namin itong mameet.




“Eh sir, bakit po palagi nyo kaming pinapagalitan pag pumapasok kami sa klase ‘nyo?” Tanong naman ni R-Kei, hindi pa din nagbabago ang mukha nito, parang inis pa din ang nakikita ko dito.




“Kasi, natutuwa ako sa inyong dalawa. Hindi kayo mapaghiwalay pamula pa noong matapos ang acquaintance party.” Sabi nito’t napatawa na parang kinikilig-kilig pa. “Matanong ko lang, if you don’t mind, ano na bang score between the two of you?”




Ayun na nga, nalintikan na! Tumayo si R-Kei sa kanyang kinauupuan at nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. Hawak-hawak nito ang kanyang tinidor at parang nagpipigil ito sa kung ano mang gagawin niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya dito na parang kutsilyo.




“Ang ayoko sa lahat, ‘yung mga pakealamero! Buhay namin ‘to ni Lenard at hindi kayo ang nagpapalamon sa amin para i-report namin sa inyo ang mga nangyayari sa buhay namin!” Nakasigaw nitong sabi kay Sir Desamero.




“R-Kei, t.tama n.na y.yan!” Nabubulol kong pagsaway dito, natakot kasi ako sa naging asta niya, parang sinapian ng kung sino.




“Lenard, kung gusto mo pang mag-stay dito, bahala ka, pero ako, aalis na ako!” Sabi pa nito sa akin habang hindi pa din naaalis ang nanlilisik nitong mata kay sir.




“Pasensya na po sir, alis n.na po k.kami.” Nabubulol-bulol kong paalam kay sir at lumabas na kami sa naturang opisina.




Hawak-hawak ko ang braso ni R-Kei habang naglalakad kami papalabas ng naturang unibersidad at pilit kong pinapakalma ito dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang tensyon sa kanyang paglalakad.









Dinala ko muna si R-Kei sa apartment namin at binigyan ng tubig para sana mapakalma. Ilang minuto pa ang lumipas ay kumalma naman na si R-Kei at yumuko.




“S.sorry.” Unang salitang narinig ko dito matapos naming umalis sa opisina ni Sir Desamero.




“Ano bang nangyari sayo R-Kei?” Tanong ko dito habang hinahagod ko ang kanyang likuran.




“Gusto mo ba talagang malaman kung bakit ako ganito kailap sa mga teachers? Lalung-lalo na sa mga baklang teachers?” Nakayuko pa ding tanong nito sa akin.




Hindi ako umimik at hinyaan ko lamang itong makapagsalita.




“Noong high school ako, napakadaming indecent proposal sa akin ng mga teachers ko. Napakadali kong makisama noon sa mga teachers at ganoon din naman sila sa akin. Sa sobrang close namin ng iba sa mga teacher kong lalake din ay nakakainuman ko na ang mga ito pagdating sa gabi. Itinuring ko silang kaibigan, at ang iba dito ay mga best friends pa ang turingan namin.” Sabi nito at napatahimik saglit dahil sa pag-inom niya ng tubig. “Contest noon, singing contest, kasali ako at kung papalarin ay sa kauna-unahang pagkakataon ay mabibigyan ko ng award ang nanay at tatay ko. Gustong-gusto kong maging proud sila sa akin. Kaya pinagbutihan ko ang pagpa-practice ng kakantahin ko.”




Nakinig ko nalang na humuhikbi na pala si R-Kei na nagbigay sa akin ng ideya na umiiyak ito. Kinuha ko ang panyo mula sa aking bulsa at ibinigay sa kanya.




“Gabi noon bago ang contest, nagtext sa akin ang pinakapaborito kong teacher noon, ang teacher ko sa physics, magaling siyang magturo at talagang hinahangaan ng lahat dahil sa angking kagwapuhan nito. Sabi niya ay pumunta daw ako sa kanila dahil mag-iinom daw ang barkada. Noong una ay ayaw ko dahil na din may contest akong sasalihan kinabukasan, pero sabi nito ay isa daw siya sa mag-ju-judge ng contest at sisiguraduhin daw niyang ako ang mananalo.” Napatigil muli si R-Kei sa pagkukwento, uminom ng tubig at tumingin sa akin.




Galit ang makikita mo sa mga mata nito, galit na alam mong matagal na nitong kinikimkim. Kahit pugto na ang mata nito ay kitang-kita mo pa din ang panglilisik ng mata nito na talaga namang nagdala sa akin ng ibayong takot.




“Nagpunta ako sa kanila dahil na din sa pangako nitong ipapanalo daw niya ako, kaya pinagbigyan ko na ito sa gusto niyang pakikipag-inuman. Dumating ako sa kanila pero walang ibang tao sa bahay niya kung ‘di siya lang. Nagtaka ako pero binalewala ko nalang dahil pinanghahawakan ko pa din ang pangako nito. Gustong-gusto kong manalo para sa magulang ko at susuungin ko lahat para makuha ‘yon!”




“Pagdating ko sa kanila, nag-inom kami ng nag-inom. Kahit kaming dalawa lang. Hindi ko alam na may balak pala siya sa akin. Nilasing niya ako at nung lasing na ako ay doon na niya ako pinatulog. Okay lang naman sa akin dahil ilang beses na din akong nakitulog noon sa kanila, pero iba ang nangyari noong gabing ‘yon.” Nabasag ang boses nito’t parang nasaktan, sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko nanamang muli ang mga luha nitong kanina pa nito pinipigilan.




“GINAPANG NIYA AKO!” Sigaw nito. “Naramdaman ko nalang na nakapatong siya sa akin, umaayaw ako, ayaw ko, pero anong ginawa niya, itinuloy pa rin niya at ang masaklap pa, kung hindi daw ako papayag ay kahit ako pa ang pinakamagaling sa mga kakanta ay gagawin niya ang lahat para lang matalo ako. Pero nagpumiglas pa din ako, ayoko, sabi ko noon sa sarili ko, kahit ‘wag nalang akong manalo, pero nang sabihin niyang pati ang pagiging valedictorian ko ay mawawala sa akin pag hindi ako pumayag, doon na ako nagparaya.” At tuluyan nang kumawala ang masaganang luha nito.




Maging ako man ay napaluha din sa kwento nito. Natakot ako at the same time, thankful dahil kahit alam niya ang sexual preference ko, hindi siya lumayo sa akin at hindi man lang ako pinangdirihan gayong parehas kami ng “gumahasa” sa kanya.




Nag-iyak lang ng nag-iyak si R-Kei, sumubsob ito sa aking balikat at niyakap ko naman ito bilang pag-aalo ko dito. Nakatulog na siya sa ganoong posisyon kaya’t inihiga ko nalang ito ng maayos sa sofa. Masyadong naging mahaba ang araw para sa aming dalawa at ito ang karapat-dapat para sa kanya, ang magpahinga.




...itutuloy...
Reade more >>

Can It Be Love Chapter 33

Posted on Posted by Bioutloud







By: James Cornejo




“Ano bang problema mo!?”









Limang araw na ang lumipas nang makita kami ni Jeck sa bar na iyon. Ilang araw na din itong hindi pumasok sa school. At lahat naman ng aming mga nakakasama noon ay itinatanong ito sa akin. Pati sila mommy at daddy ay tinatanong sa akin kung bakit hindi na daw pumupunta si Jeck sa bahay.









Ito ang unang araw na nagkita kami ni Jeck at ganito pa ang nangyayari. Hawak niya ang braso ko at animo’y kinakaladkad ako as if we are alone and no one can see us. Mugto ang mata nito marahil ay hindi dahil sa pag-iyak kung hindi dahil sa pagpupuyat at pag-iinom. Halata din dito ang pagbagsak ng kanyang katawan.









“May kailangan kang malaman.” Tanging sagot nito sa akin at nakita ko nalang na papalabas kami ng school.









Pinagtitinginan na kami ng mga schoolmates namin. Para akong nakagawa ng kung anong kasalanan na hinuli ng pulis at heto, dadalhin sa prisinto. Pero hindi ako pumayag at nagpumiglas ako.









“Wala na akong dapat pang malaman Jeck! Alam ko na lahat!” Sigaw ko dito nang makakalas ako sa kanyang pagkaladkad sa akin. “Stop acting na tayo pa Jeck, dahil hindi na, at hinding-hindi na ako magpapaloko sayo!”









Nagtatakbo ako papalayo sa kanya at hindi na muling nilingon pa ito. Sa loob-loob ko’y nasaktan ako dahil sa mga sinabi ko. Alam kong labag sa kalooban ko ang aking mga sinabi kay Jeck, pero talaga nga yatang hindi ganoon kadaling kalimutan ang mga nalaman ko dito noon. Kahit pa man walang confirmation galing dito’y sinabi naman ni Zekiel sa akin ang totoo sa pamamagitan ng paghingi nito ng tawad sa akin.









“DAMN IT JAMES!!! BAKIT BA ANG HIRAP MONG PAGPALIWANAGAN!!” Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang sigaw ni Jeck na ‘yon.









Nilingon ko ito at nakita ko itong nakaluhod sa pathway at lumuluha. Nahabag ako sa aking nakita, pero kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong ipakita kay Jeck na wala na siya sa akin kahit iba naman ang sinisigaw ng puso ko. Kailangan kong...









Nasa ganoong pag-iisip ako nang makita ko si Jeh na patakbong pinuntahan ang kinaroroonan ni Jeck at hinayaan niya ito ng suntok. Hindi ko alam ang gagawin ko, nagkusa nalang ang aking katawan na tumakbo din papalapit sa kanila at pinigilan si Jeh sa balak nito.









“Tumigil nga kayo! Putang ina naman oh!” Sigaw ko sa mga ito.









“Kung ginugulo pa ng taong ‘to ang buhay mo! Pagbigyan mo ako! Isang suntok lang yan James!” Mahanging sabi ni Jeh sa akin.









“Tumigil ka na Jeh, utang na loob!” Sigaw ko dito. “At ikaw, kung ayaw mo ng ganitong gulo! ‘wag ka nang lumapit sa akin! Dahil hindi ko na kayang makinig pa ang mga kasinungalingan mo!” Baling ko naman kay Jeck.









“Suntukin mo nalang ako pare! Mapakinggan lang ni James ang side ko!”









Natameme ako sa sinabi ni Jeck, umiiyak itong parang nagmamakaawa kay Jeh na suntukin nalang siya. Parang may kumurot sa aking dibdib at nagsabing kailangan kong pakinggan ang side nito. Pero punong-puno nang alinlangan ang aking sarili kaya’t tumayo nalang ako at inilayo si Jeh sa kinaroroonan ni Jeck.









“BESTFRIEND KITA JEH! PERO IKAW PA ANG TRUMAYDOR SA’KIN!” Sigaw ni Jeck bago pa man kami nakaalis sa kinaroroonan nito.



















Nang matapos ang klase naming sa araw na iyon ay dali-dali akong umuwi sa bahay. Dahil naandoon si Mena ay wala kaming tsansa ni Jeh na magkasama at may date daw ang dalawa kaya’t minabuti ko na ring umuwi at makapagpahinga.









Habang nagda-drive pauwi ay ramdam ko ang kalungkutan sa aking sarili. It felt like I was in the midst of something na alam kong hindi ko kayang takasan. Parang may kulang sa akin, at alam kong si Jeck ‘yon. Alam ko din sa sarili kong gusto kong makausap ito, pero dahil na din sa tayog ng pride na pinapairal ko ay hindi ko magawa.









Nang malapit na ako sa bahay ay nakita kong may nakaupo sa labas ng gate namin. Nakaputing damit at naka walking shorts. Nang nasa tapat na ako ng gate ay agad itong tumayo at agad ko rin namang nakilala kung sino ito. Si Zekiel.









“What the hell are you doing here!?” Agad kong salubong dito nang makababa ako ng kotse.









“Nandito ako para magpaliwanag.” Nakayukong tugon nito sa akin.









“Magpaliwanag ng ano? Hindi pa ba enough na niloko ‘nyo ako ni Jeck! Diba dapat masaya na kayo ngayon dahil finally! Magagawa nyo na ang gusto nyo, without me interfering!” Inis kong wika dito.









Itinulak ako nito para mapasandal sa pintuan ng kotse at tinakpan niya ang aking bibig gamit ang kanyang kaliwang kamay at ang kanan naman ay hinawakan ang aking mga kamay para hindi ako makapagpumiglas.









“’yan kasi ang mali sayo James, hindi mo muna pinakinggan si Jeck, at kung kani-kanino ka naniniwala! Sino bang boyfriend mo? He tried to talk to you, he even stalked you para lang alam nya kung anong nangyayari sa buhay mo habang wala siya sa tabi mo! Pero anong ginawa mo! Puro pag-iignora nalang ang nalalaman mong gawin! Kaya naglakas loob akong pumunta dito dahil ayokong nakikita ko si Jeck na ganon! Oo! Inaamin ko, nagpagamit ako kay Jeh! Dahil minsan sa buhay ko, inasam ko si Jeck! Nang makita ko siyang luhaan at walang mapuntahan, I took the chance to be with him, pero, putang ina, ikaw pa din ang hinahanap nya! At hindi kita mabura-bura sa isip nya! Hindi kami nagkaron ng relasyon ni Jeck, at hindi totoo ang nakinig mo sa record ni Jeh! Nakita mo ang script, at nakapagpaliwanag sayo si Jeck pero hindi ka naniwala!” Mahabang sabi nito kasabay ang pagtulo ng kanyang mga luha. “Nakiusap sa akin si Jeh na aminin ko daw sayo na may relasyon kami ni Jeck. Kumagat naman ako at nagpaloko sa kanya. Pero hindi ko kayang magsinungaling, kaya ang nasabi ko lang noon sayo ay “sorry”. Pero naging padalos-dalos ka, sinaktan mo ako pero tinanggap ko ‘yon.” Sabi pa nito habang lumuluha at naramdaman ko nalang na lumuwag ang paghawak nito sa akin.









Hindi ako manhid para hindi malaman na totoo ang sinasabi ni Zekiel. Para akong nabuhayan ng loob sa sinabi nito, at lalung lumakas ang urge ko para makipag-usap na kay Jeck.









Dahan-dahan kong inalis ang pagkakahawak ni Zekiel sa akin. Sumunod naman ito at inalalayan ko siya papasok ng bahay, para doon kami makapag-usap ng ayos. Alam ko namang wala pa sina mommy at daddy kaya ayos lang na mag-usap muna kami ni Zekiel.









“S.sorry.” Mahiya-hiya kong sabi dito nang makapasok kami at mai-upo ko ito sa sofa.









“Huwag ka sa aking mag-sorry James, kay Jeck dapat.” Tanging tugon nito sa akin habang pinapahid ang kanyang mga luha. “Inaamin kong naging pangahas ako James, and am sorry about that. Pero hindi kalian man nagkaron ng namamagitan sa amin ni Jeck. At...”









“Naniniwala ako sayo Zekiel.” Pagputol ko sa sinasabi ni Zekiel. Agad din namang kumawala sa aking mga mata ang luhang akala ko’y noon ay ibinaon ko na’t ipinangako ko sa aking sarili na ibibigay ko lamang ulit sa taong nararapat iyakan. “And I’m sorry kung ikaw pa ang napagbuntunan ko ng galit noon. Bulag ako sa katotohanan noon. Kahit naman siguro ikaw, kung ikaw ang nasakalagayan ko ay ganoon din ang gagawin mo. What I heard kanina is enough to know what’s true Zekiel. And I’m very, very sorry kung pinaghinalaan ko kayo at inakusahan ng kung ano-ano. But I know it’s too late na para magkaayos pa kami ni Jeck.”









“Never say late James, mahal na mahal ka ni Jeck at alam kong isang text mo lang dito ay pupunta kaagad siya sayo. Ga’non ka niya kamahal James, at hindi ka niya kayang ipagpalit kahit kanino.” Tugon nito sa akin.









“Ayoko muna Zekiel, nahihiya ako. Sobrang hiya, at hindi ko alam kung paano pa ako haharap sa kanya.”









“Kung hindi ngayon, kailan pa James! Kapag nakagawa na ng masama si Jeck?”



















“Kailangan nating mag-usap.” Text ko kay Jeh nang makaalis ng bahay si Zekiel.









Kinumbinsi lamang ako nang kinumbinsi ni Zekiel para makipagbalikan kay Jeck, binigyan ko lang ito ng hindi siguradong sagot dahil hindi ko pa naman din talaga sigurado kung ano ang gagawin ko. Ang tanging alam ko lang ay kailangan kong makausap si Jeh.









Puro galit ngayon ang nararamdaman ko kay Jeh, gusto ko itong tirisin ng pinong-pino na ‘yung tipong hindi na ito makakatayo. Sinabi ko din kay Zekiel ang balak ko kay Jeh pero pinigilan ako nito. Sabi lang nito ay makipag-usap daw ako ng ayos.









“Sige, right after ng date naming ni Mena, punta ako agad diyan sa inyo.” Reply nito sa akin.









Hindi na ako nagreply pa sa sinabing iyon ni Jeh, bagkus ay nagkulong nalang muli ako sa aking kwarto at nag-isip-isip.









Kung hindi dahil sa kanya! Okay sana kami ni Jeck ngayon! Kung hindi dahil sa kanya, wala akong problema ngayon! Tang ina ka Jeh! Hindi ko papalampasin ang ginawa mong katarantaduhan sa amin ni Jeck! Sa isip ko at muling tumulo ang mga luha sa aking mata.









Jeck, sana, pagkatapos nito ay tanggapin mo pa din ako, wag ka sanang bibitiw, mahal na mahal kita Jeck, at ngayon ko lang na-realize ang mali ko, sana hindi pa huli ang lahat. Sana masabi ko pa sayo ulit na mahal na mahal kita. Ako naman ang hindi susuko na suyuin ka Jeck. Tanggapin mo lang ako ulit Jeck, gagawin ko ang lahat para maging masaya lang tayong muli.



















“Sabihin mo sa akin ngayon kung anong totoo Jeh.” Malumanay kong sabi dito.









“Totoo?”









“Anong totoo sa relasyon ni Jeck at ni Zekiel?”









“Hanggang ngayon ba naman Ja...”









“Putang ina Jeh! Anong totoo!?” Nakasigaw ko nang pagpigil sa kung anong kasinungalingan nanaman ang sasabihin nito.









“Ano ba naman ‘to James? Let me guess, may nagpunta dito at pinasinungalingan ang sinabi ko sayo? James, kinig na kinig mo ang pruweba, saan ka pa ba maniniwala James?”









“H’wag mo akong lokohin Jeh! Magsabi ka lang ng totoo, magiging okay ang lahat!”









Tumawa ito ng pagak at nagsalita. “James naman, kung maniniwala ka sa mga taong puro kasinungalingan lamang ang sasabihin sayo, it’s your choice. Pero ang sinasabi ko sayo ay ang katotohanan lamang.”









“Ay, sorry, palibhasa kasi, may record ka ng mga sinabi ni Jeck.” Sarkastikong kong tugon dito. “Well Jeh, sagutin mo nalang itong tanong ko, bakit kailangan mong irecord ang mga sinabi ni Jeck? At bakit parang alam na alam mo ang mga sasabihin nito?”









Napatahimik ito na parang nag-iisip ng kung anong kasinungalingan nanaman ang kanyang ipapaliwanag sa akin. Pero hindi ko na hinyaang makapagsalita pang muli ito.









“No answer Jeh? Kung wala kang magawang matino sa buhay mo, huwag buhay namin ni Jeck ang sirain mo! Walang hiya ka! Pinapaniwala mo ako sa isang bagay na hindi totoo! At ako naman itong si tanga, naniwala naman sayo! Kung nagawa mong miserable ang buhay ko, mas gagawin kong miserable buhay mong hayop ka!” Nang-gagalaiti kong sabi dito. “UMALIS KA DITO SA BAHAY KO! HAYOP KA!”









Ipinagtulakan ko siya papalabas ng bahay. Galit na galit ko itong sinisigawan, minumura at itinutulak. Nagmamakaawa naman itong humihingi ng permisong magpaliwanag pero hindi ko na siya hinyaang makapagsinungaling pa sa akin. Wala akong maramdamang awa sa kanya. Puro galit lamang at galit lang ang tanging sumakop sa aking isip.









“Tandaan mo ‘tong araw na ‘to James! Hindi kayo sasaya ni Jeck!” Pagbabanta nito nang mapansin siguro nitong wala ng space para sa paliwanag niya ang sumisidhing galit na nararamdaman ko.









“Talaga ba Jeh?” Pang-aasar ko pang lalo dito. “Well in that case, GO AHEAD! AND GO TO HELL!!!!” Sigaw ko pa dito at itinulak ko na siya ng tuluyan palabas ng gate namin.









Nang maisara ko ang gate ay wala akong naramdaman kundi ibayong saya na sa wakas ay nailabas ko ang aking galit sa taong karapat-dapat kagalitan.









Si Mena! Biglang pumasok ang pangalan ng aking bestfriend sa aking utak.









Agad kong kinuha ang susi ng aking kotse. Kailangan kong makita si Mena at makausap tungkol sa boyfriend nya. Kailangan ko ding humingi ng tawad sa kanya dahil sa naging affair namin ni Jeh na dulot ng kasinungalingang dinala nito sa akin.









Dali-dali kong inilabas ang kotse at isinarado ang gate. Agad kong tinahak ang daan patungo sa bahay nila Mena. Kinuha ko ang aking CP at hinanap ang number ni Mena sa aking phonebook. Nang makita ko ito ay tinawagan ko ito.









“Hello Bes, napatawag ka?” Masiglang bati nito sa akin.









“Bes, papunta ako d’yan sa inyo ngayon. Labas ka na, medyo malapit na ako.” Tugon ko dito.









“Bakit Bes? May problema ba?” Balik-tanong naman nito sa akin.









“Malaki Bes, d’yan nalang natin pag-usapan. Eto na ko, isang liko nalang.” Tugon ko dito sabay putol ng linya.









Nang makaliko ako sa street nila Mena ay nakita kong papalabas naman ito ng bahay









“May dapat kang malaman sa boyfriend mo, Bes.” Pagsisimula ko sa usapan namin ni Mena nang makababa ako sa kotse.









“Kung ano mang sasabihin sayo ni James ay puro kasinungalingan lang ‘yan Hon.” Biglang singit ng isang boses mula sa aking likuran.









“Mena, listen to me first.” Pagkuha ko ng atensyon ni Mena. “Am sorry, dahil nagkaron kami ng relasyon ni Jeh behind your back. Niloko nya tayong lahat. Pinaniwala niya tayon...”









Sinuntok ako ni Jeh sa likuran ko, humarap ako sa kanya at gumanti ako ng suntok. Pinaulanan namin ang isa’t-isa ng palitan ng mga suntok. Para kaming mga manok na nagsasasabing ni Jeh, puro mura sa isa’t-isa au binahaginan din namin. Si Mena naman ay puro mga sigaw lamang nito ng paghingi ng tulong ang ginawa.









Naglapitan sa amin ang kung sino-sino mula sa street nila Mena. Napakadaming taong dumagsa sa kinaroroonan namin ni Jeh, ang iba ay nagpunta para maki-osyoso, ang iba naman ay para umawat. Nahawakan si Jeh ng isa sa mga dumating habang ako naman ay nahawakan din ng isa.









“Putang ina ka Jeh! Matapos kong makisama sayo ng maayos, ganito pa ang iginanti mo sa akin!” Sigaw ko dito nang hindi ko na maabot ng mga suntok ko si Jeh.









“Hoy bakla! Kung hindi ka lumandi sa akin, edi sana hindi kayo nagbreak ng jowa mo!”









“Huwag mong ibahin ang kwento ditong tarantado ka! Ikaw ang sumira ng relasyon namin ni Jeck! Kung hindi mo ipinarinig sa akin ang record na ‘yon! Okay sana kami ni Jeck ngayon!”









“Kasalanan mo pa din bakla! Naniwala ka!”









“Oh edi lumabas din ang totoo! Ikaw ang sumira, putang ina ka! Hayop ka Jeh! Hayop ka!” Sigaw ko pa dito at inilayo na ako ng tuluyan ng lalaking umaawat.









Nakita ko ang mga taong nakatingin sa akin, mga mapang husgang tingin ang ipinabatid nila sa akin, at wala na akong magawa kundi ang yumuko at mapahiya.









Hindi pa tayo tapos Jeh! Humanda ka! Sabi ko sa aking isip habang higit-higit pa din ako ng lalakeng umawat sa amin.









“Anong nangyari dito?” Narinig kong sabi ng hindi ko kilalang boses, nilingon ko ito at nakita kong naka-uniporme na pang barangay tanod.









“Hulihin nyo po yang baklang yan! Nang gugulo dito sa bahay ng girlfriend ko!” Si Jeh.









“H’wag kuya, etong gagong ‘to ang nang gulo dito, hindi ang bestfriend ko. ‘yan ang hulihin nyo!” Pagsingit naman ni Mena.









Nilingon ko si Mena at nakita ko ang awa sa kanyang mga mata. Hindi ako basagulerong tao, alam kong napuruhan ako sa ilang suntok ni Jeh sa akin. Pero hindi ko na siguro ito naramdaman dahil na din napuno ako ng galit.









Binitawan naman ako ng lalakeng nakahawak sa akin kanina. Pero napayuko nalang ako dahil na din nakatingin pa din sa akin ang mga taong naki-osyoso sa away namin ni Jeh. Marahil ay dahil na din sa narinig nitong mga ito na bakla ako kaya gan’on nalang ang panghuhusga nila sa akin.









“Bes, pasok ka muna dito sa loob. Gamutin natin ‘yang mga pasa mo.” Alok sa akin ni Mena na hindi ko naman tinanggihan. Dahil na din sa hiya ko sa mga taong nakapaligid ngayon sa bahay nila Mena, kaya pumasok na din ako agad sa bahay ng mga ito.



















“Bes, bakit hindi ako ang ipinadala mo sa barangay?” Agad kong tanong dito ng makaupo kami sa sofa nila.









“Dahil alam kong nagsasabi ka ng totoo kanina Bes. And besides, ang best friend, hindi napapalitan, ang boyfriend, mabilis lang ‘yan.” Sabi nito sabay ngiti sa akin. “Akin na nga yang sugat mo, bes, gagamutin ko na.” Sabi pa nito at agad din naman akong lumapit sa kinaroroonan niya.









Ginamot ni Mena ang mga pasa ko at mga sugat na natamo ko dahil sa “square” namin ni Jeh. Brave lady si Mena, hindi man lang ito nagpakita ng kahit anong emosyon sa akin dahil sa nalaman nito tungkol sa boyfriend niya. Sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari pamula nang maghiwalay kami ni Jeck.









“Do you want me to call Jeck?” Tanong nito sa akin matapos kong maikwento sa kanya lahat.









“Huwag na Bes. Nakakahiya na sayo. Ang laki na ng naitulong mo sa akin.”









“Nahihiya ka d’yan, eh kung sinasampal kaya kita! Eto na, tatawagan ko na.” Nakangiting balik nito sa akin.









...itutuloy...
Reade more >>
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
free counters Protected by Copyscape Website Copyright Protection
Community & Groups - Top Blogs Philippines PH Blogs Check Google Page RankProtected by Copyscape Online Copyright CheckerLiteratureRelationships Blogs - Blog Rankings blogger widgets Gay Travel Information Add blog to our blog directory All Writing Sites